Bakit nga ba may mga online bashers and haters

Online bashers and haters - Ano nga ba ang kanilang dahilan? Bakit nila ito ginagawa? at Bakit nga ba may mga online bashers and haters?

Kung tutuusin, matagal na itong nangyayari, hindi lang sa mga celebrity (artista), politiko, atleta, mga kilalang personalidad kundi pati mga ordinaryong tao rin noong nagsimula ang pagsikat ng mga online social networks, micro-blogging at kung anu-ano pang online medium.

Marian Rivera 'Hindi naman talaga ako Maarte' 

Marian Rivera in a royal blue low-cut bodycon dress revealing a bit of her 19-inch waistline.

Photo credit: Marian Rivera Fanpage
Sabi nga ni Idol Marian, sa interview niya sa presscon ng FHM... "Alam mo, yung mga taong nangba-bash, ibig sabihin niyan malungkot ang buhay nila. Wala silang nakikita sa kapwa nila kung hindi puro kapintasan. Kasi, kung masaya ka sa buhay mo, mas makikita mo ang kagandahan ng isang tao kaysa pintasan mo siya."

Hindi man ako eksperto sa mga ganyang pag-aaral, ngunit-pero-subalit meron naman akong obserbasyon at sariling komento kung ano-ano ang dahilan o maaring dahilan nito.

1. Ika-nga ni Ms. Marian Rivera 'Malungkot ang Buhay'
2. Hindi nagkaroon ng magandang edukasyon o hindi nakapag-aral
3. Meron mang pinag-aralan ngunit mahina naman ang pang-unawa
4. Napipilitan dahil dito sila kumikita at ito ang kanilang hanap-buhay

Iilan lang po ito base sa aking naobserbahan at gustong ibahagi sa inyo.

*Malungkot ang buhay nila:

Oo nga naman, bakit nga ba maninira o manglalait ka ng kapwa mo kung masaya ka sa buhay. Naghahanap ka lang ng gulo at nanggugulo ka lang ng buhay ng iba.

Kung masaya ka nga sa iyong buhay, lahat ng makikita mo sa paligid mo, pangit man o maganda, para sa iyo, lahat ay pantay-pantay.

Kung may makikita ka mang pagkakamali o kapintansan sa iyong kapwa, di ka gagawa ng mga bagay na makakasama sa kanyang kalooban, bagkus- gagawa ka pa ng paraan o tutulong ka pa para maitama ito na walang nasasagasaan o nasasaktan.
Dahil nga masaya ka sa buhay at gusto mo ring makitang marami ang magiging masaya.

*Hindi nakakapag-aral:

Lagi kong napapansin tuwing may nangbabash o naninira sa isang tao, karaniwan talaga sa kanila ay kulang-kulang sa mga impormasyon, mali-mali yung binibintang, malayo yung mga kasagutan pag pinatulan, nagmamagaling kahit hindi naman, limitado yung mga kaalaman dahil kung ano lang ang nabasa, napakinggan at ang gustong paniwalaan ay yun lang din ang pinaninindigan
Yun bang mapapansin mo na basta-basta na lang maninira na wala man lang basehan, nakikisabay sa uso (ika nga "Pa-trending tayo") na hindi man lang inaalam kung ito bay totoo o hindi at ang dali nga naman mag copy and paste.

*May pinag-aralan ngunit mahina naman ang pang-unawa:

Ito ang mahirap kalabanin, dahil maraming palusot at katwiran, kahit na pinakitaan mo na ng tama at sampal-sampalin ng ebidensya at katotohanan, matinag talaga ito sa paninindigan kahit na mali ang pinaniwalaan.

Mas daig pa nito ang walang pinag-aralan.

*kumikita at ito ang kanilang hanap-buhay:

Siguro, alam na ito ng karamihan - marami na po talaga na ganito ang kanilang gawain at hanap-buhay, kahit noong hindi pa nauuso ang internet ay mayroon na nitong klasing pagkakakitaan.

Halimbawa nito - yung mga manunulat ng artikulo sa online man o offline publishing.

Kung mapapansin natin, may mga manunulat na magaling talaga gumawa ng mga isyu. Kaliwa't kanang mga artikulo ang sinusulat para pagpiyestahan ng mga sumusubaybay at tumatangkilik ng kanilang mga kuwento.

Kung maganda at nagbabaga ang intriga't balita, syempre... kumikitang kabuhayan. kaya nga lang, ang daming makakalaban at nagiging kaaway.. at alam mo kung ano ang karaniwang sinasabi? wala akong magagawa, trabaho lang

Kaya, ang payo ko sa mga sumusuporta at nakikipaglaban para sa mga taong binibiktima ng mga Online Bashers. Na sana, unawain at intindihin muna natin sila at iwasang patulan para hindi lalong lumalala at lalaki ang pinag-aawayin. kung hindi naman mapigilan ang sarili na mapatulan, isipin mo muna kung kaya mo bang makipagsabayan sa kanilang pag-iisip at bumaba o pumantay sa kanilang level?

At kung makakaya naman natin na ipaunawa sa kanila na hindi maganda at di karapat-dapat ang kanilang ginagawa, may posibilidad pa po na mapapasaya pa natin ang malungkot nilang buhay.

Yun lamang po at maraming salamat.

Kayo po, ano pa ang maibabahagi ninyo sa ganitong usapin kung Bakit nga ba may mga online bashers and haters?

Read: Marian Rivera has NO fear of getting sick and being infected by a Chicken Fox disease

Tags: , ,

0 Responses to “Bakit nga ba may mga online bashers and haters”

Post a Comment

Subscribe

For Updates and Latest News, subscribe to our blog by entering your e-mail address

Enter your email address:

© 2014 Yanyan Fanblog. All rights reserved.
Designed by SpicyTricks